Loanwords sa Text Messages at Facebook Post Tungo sa Morpolohiyang Filipino

LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO

____________________________________________

Isang Tesis na Ihaharap sa
Kaguruan ng Paaralang Gradwado
Pamantasan ng Nueva Caceres
Lungsod ng Naga

__________________________________

Bilang Bahagi ng mga Gawaing
Kailangan sa Pagtatamo ng Titulong
MASTER OF ARTS IN FILIPINO
__________________________________
Ni:

RONILO B. PALMARIA
Nobyembre 2014

KABNATA I
PANIMULA

Ang tao, bukod sa talino ay ganap na biniyayaan ng Diyos ng kakayahang makapagsalita at makapagsulat. Anupat ang naging saltik ng kanyang dila ay tinawag na wika. Ang wikang sapul nang matutuhan niyang sambitin ay naging napakahalaga kahit ito’y naging isang pinakakaraniwang gamitin niya sa araw-araw dahil ito ang nag-uudyok sa kanyang makipagkapwa. Dahil sa ang wika ay buhay at makapangyarihan patuloy itong uusbong kasabay ng tuloy-tuloy na pagpasok ng ng modernong panahon mula sa simpleng panahon na kung saan ay may simpleng komunikasyon, hanggang sa unti-unting umunlad ang iba’t ibang teknolohiya na siyang tsanel na daluyan ng pakikipagkomunikasyon sa ngayon sa paraang pasulat man o pasalita.
Ayon kina Arrogante, et.al sa Aklat ni Palo, (March 2014), ang pagsulat ay isang natatanging kakayahan ng tao na malinaw na
makapagtatala o makapag-iimprenta sa papel ng mga karakter at simbolo, at talata na makapagbibigay ng mga ideya o mga impormasyon sa mga mambabasa sa tawag ng komunikasyon. Kaugnay nito, sa pagbuo ng mensahe sa pamamagitan ng cellphone, malaya ang paggamit ng iba’t ibang karakter, simbolo, numero, letra, at

2
mga kombinasyon nito upang makapagpahayag ng impormasyong nais ipabatid.
Batay sa website na http://www.digitalbuzzblog.com, 1 sa bawat 13 na tao ay gumagamit ng facebook (FB) kung saan 250 milyon ang nakalog-in araw-araw. 48% sa 18-34 na edad ay gumagamit ng facebook sa umaga pagkagising samantalang 28% naman ang gumagamit bago matulog. Dumarami na rin ang bilang ng mga gumagamit ng facebook na may edad na 35 pataas (74%). Dagdag pa rito, 700 bilyong minute bawat araw ang nakokonsumo sa panahon ng mga gumagamit nito, 20 milyong aplikasyon bawat araw ang ini-installed, at sa loob ng isang minuto, mahigit isang milyong link ang naii-share, 2 milyon na friend request ang tinatanggap, at 3 milyong mensahe ang ipinapadala.
Ang pananaliksik na ito ay napapanahon. Mahalagang malaman natin kung gaano pinahahalagahan o tinatangkilik ng bawat indibidwal ang mga bagong teknolohiya. Sa pag-aaral na ito ilalahad kung paano napauunlad ang morpolohiya sa akademikong Filipino ng mga mag-aaral gamit ang mga loanwords sa text messages at facebook post.
Makabuluhan din ang pag-aaral na ito upang ang mga mag-aaral, guro at sino man ay magkaroon ng kamalayan sa bungang dulot ng

3
text messages at facebook post na makatutulong sa pagpapaunlad ng morpolohiya ng akademikong wikang Filipino.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Layunin ng pag-aaral na mabatid at masuri ang mga loanwords na ginagamit sa text messages at facebook post na nagpapakita ng kaugalian at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa hayskul ng Pambansang Mataas na paaralan ng San Juan at Bicol Central Academy ng Libmanan, Camarines Sur, Taong Panuruang 2014-2015.
Nilalayon ding masagot ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang mga loanwords sa text messages at facebook post
na ginagamit ng mga estudyante?
2. Paano nagkakaiba ang mga loanwords sa text messages at facebook post batay sa pagkakabuo ng salita at pagpapakahulugan sa mga salita?
3. Ano-anong kaugalian at pagpapahalaga ng mga kabataan ngayon ang masasalamin sa mga loanwords na kanilang ginagamit?
SAKLAW AT DELIMITASYON
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa magiging bunga ng paggamit ng mga loanwords ng mga mag-aaral sa gawaing pagpapaabot ng mga text messages at facebook post sa kanyang mga kaibigan.

4
Sangkot sa pag-aaral na ito ang mga estudyante ng San Juan national High School at Bicol Central Academy, Grade 9 at ika-apat na taon na binubuo ng 500 mga estudyante.
Susuriin sa pag-aaral na ito ang gamit na paraan ng paghihiram ng salita na gamit sa text messages at facebook post tungo sa pagpapaunlad ng talasalitaan sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga dokumentado galing sa text messages at facebook post.
Di saklaw ng pag-aaral ang palagiang pinadadalhan ng mensahe ng mga mag-aaral gayundin ang pinadadalhan ng facebook post ng mga estudyante ng San Juan National High School at Bicol Central academy. Hindi rin pag-aaralan ang mga mensaheng ipinaparating ng mga repondente sa kinauukulan.
TEORYANG SANLIGAN NG PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay talakay ng mga teoryang iniangkop sa resulta ng pag-aaral. Ginamit sa pag-aaral ang Teoryang Bottom– Up, Teoryang Top Down, Teoryang Interaktib at Teoryang Kognitib.
Ang teoryang Bottom-up ayon sa aklat ni Badayos (2012) ay ang tradisyunal na pananaw sa pagbasa na bunga ng impluwensya ng teoryang behaviourist na higit na binibigyang pokus ang kapaligiran sa paglinang ng pag-unawa sa pagbasa. ang pagbasa ay
5
ang pagkilala ng mga serye ng nakasulat na simbolo upang maibigay ang katumbas nitong tunog. Sa teoryang ito, ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik tungo sa salita, parirala, pangungusap ng pagbuo ng teksto bago pa man ang pagpapakahulugan sa teksto. Inilalarawan din sa teoyang ito na ang pagbasa ay nagsisimula sa mga input na grapiko o mga letra upang makabuo ng salita, ng mga salita sa pagbuo ng pangungusap at sa pagbuo ng teksto. Ang pag-unawa sa teoryang ito ay batay sa mga nakikita rito tulad ng mga salita, pangungusap, larawan, dayagram at iba pang simbolo. Tinawag ito ni Smith (1983) sa aklat ni Badayos (2012) at sa aklat nina Marquez, et.al (2010) na “outside-in” o “data driven” sapagkat ang impormasyon sa pag-unawa ay hindi nagmula o nanggaling sa tagabasa kundi sa teksto.
Ang Teoryang Top Down, ayon kan Villafuerte ang mamababasa ay napakaaktib na participant sa proseso ng pagbasa, na ang tao ay may taglay na dating kaalaman nakaimbak sa kanyang isipan na may sariling kakayahan sa wika na kanyang ginagamit habang nakikipagtalastasan sa may-akda sa pamamagitan ng teksto.
Para kay Bruner, sa kanyang Teoryang Interaksyon sa aklat ni Austero (2013) ang interaksyon ay nagaganap sa pagitan ng bata at ng kanyang tagapag-alaga. Ayon sa kanya, mas madaling natututo ang bata kung madalas na may kausap siya. Ang tagapag-alaga ay
6
kailangang gumamit ng tamang salita at tamang gramar upang maging maayos ang pagkatuto ng bata.
Ang Teoryang Kognitibo, ayon kay Piaget sa aklat ni Austero (2013) ang wika ay isang aspekto sa intelektwal na debelopment/pag-unlad ng bata. Kailangang maintindihan ng bata ang konsepto bago niya makuha ang partikular na salita/wika na magpapaliwanag tungkol sa konseptong gusto niyang buuin.

7

Teoryang Bottom-up

Loanwords sa
Text Messages
at Facebook Post
Tungo sa Pagpapa- Teoryang Kognitibo unlad ng
Teoryang Top Down Morpolohiya sa
Akademikong Wikang
Filipino

Teoryang Interaktibo

Figura 1. Teoryang Sanligan ng Pag-aaral

8
BALANGKAS KONSEPWAL
Matutunghayan sa Pigura II na ang kabuuan ng isinasagawang pananaliksik tungkol sa iba’t iabang anyo ng hiram na salita na ayon sa pamamaraan ng pagkakabuo at ang kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral ng San Juan National High School at Bicol Central Academy, taong panuruan 2014-2015.
Sa unang baryabol ay aalamin ang mga loanwords sa text messages at facebook post.
Sa ikalawang baryabol ay tatalakayin ang mga nalikom at naanalisang loanwords galing sa text messages at facebook post batay sa mga nabaledeyt ng mga kaguruan sa Filipino.
Sa balangkas na ito makikita kung ang mga loanwords ay katanggap-tanggap sa mga mag-aaral.
ASAMPSYON
1. Nagagamit sa pakikipag-ugnayang pasulat at pasalita ng mga mag-aaral sa hayskul grade 9 at ika-apat na taon ang mga hiram na salita mula sa text messages at facebook post.
HIPOTESIS
2. Ang mga hiram na salita ay magagamit sa pagpapaunlad ng morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
9

Loanwords sa Text Messages at Facebook Post
Tungo sa Pagpapaunlad ng Morpolohiya sa
Akademikong Wikang Filipino

Mga loanwords sa: A. Pagkakatulad Kalipunan ng mga
1. Text Messages ng loanwords sa Loanwords at gamit
2. Facebook Post text messages nito tungo sa
at facebook post intelektwalisasyon
batay sa ng wika
a. Pagkakabuo
b. Pagpapakahu-
lugan

10
KATUTURAN NG TALAKAY
Binigyang kahulugan ang mga sususunod na salita ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa pag-aaral.
Facebook. isang social networking website na libre ang pagsali at pinapatakbo at pag-aari ng Facebook, Inc. na isang pampublikong kompanya. Maaaring sumali ang mga tagagamit dito nakaayos ayon sa lungsod, pinagtratrabahuan, paaralan at rehiyon upang makakonekta at makihalubilo sa ibang mga tao. Maaaring magdagdag rin ng mga kaibigan at magpadala ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan ang tungkol sa kanilang sarili.
Istruktura ng wika. Kumakatawan ito sa mga component ng pag-aaral ng wika tulad ng ponolohiya, morpolohiya, sintaks at semantika. Bumubuo ng herarkiya sa pag-aaral ng wika mula sa pinakamaliit nay unit ng mga tunog hanggang sa masalimuot na mga diskurso na sa panahong ito ay dapat pag-aralan dahil iba’t iba ang tsanel ng komunikasyon tulad ng cellphone at iba pang gadgets. Morpema. pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan. Bawat salita sa isang wika ay binubuo ng mga pantig na pinagsama-sama. Subalit hindi lahat ng pinagsama-samang mga pantig ay makakabuo ng isang salita.
11
Morpolohiya. Ito ay sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong kahulugan.
Text messages. isang maituturing na publication, Kung ang text messages ay direktang pinadala ng taong naninira o nagbibintang sa taong mismo na kanyang tinutukoy ay hindi maaring matatawag na libelo.
Wika. Tumutukoy ito sa wikang hiram na siyang pokus ng pag-aaral na ginamit sa larangan ng komunikasyon sa paghihiram ng salita na gamitin ng mga mag-aaral sa hayskul.

12
TALA

Belen R. Palo. “Txt Lingo: Isang Kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat.” (Di nalathalang Tesis, University of Nueva Caceres, Naga City, March 2014).

RELATIVITY THEORY. (USA: Oxford University Press, 2009).
http://kimbeasley.com/2013/07/30/social-media-effects-student-writing-positive

Joseph Gayares. “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino”. (Dalumat Ejournal, Vol.3 No.2, 2012).

KABANATA II
MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Ang bahaging ito ay talakay ng mga sasaliksiking mga kaugnay na Literatura at kaugnay na Pag-aaral upang higit na mapalalim ang pagkatalakay sa paksa. Ang mga pag-aaral na nalikom ay mula sa mga nailathala at di-nalathalang artikulo, tesis at disertasyon. Ginamit din ang mga datos mula sa internet, journal, mga aklat upang mapalawak ang pagpapaliwanag sa pag-aaral na ito.
KAUGNAY NA LITERATURA
Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na literatura na isinagawa sa Pilipinas at maging sa ibang bansa na kakalapin sa mga silid-aklatan at sa internet.
Sa Pilipinas, ayon sa aklat nina Austero, et.al (2012) magkasabay na dumating ang pager at cellular phone noong 1989. Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 10 bilyong mamamayan ang gumagamit nito sa buong mundo. Ayon pa rin sa kanila, taong 1994 nang biglang umusbong ang ekonomiya ng bansa ng kulang-kulang 5%, patunay na marahil ay nakatulong ang makabagong midyum ng komunikasyon sa pag-unlad n gating bansa.
Sinabi ni Addison sa aklat nina Austero, et.al (2012), “kung ang ehersisyo ay para sa katawan, ang pagbasa ay para sa sa isip”. Sa lahat ng Libangan/ direksyon sa buhay, wala pang makapagpupuno
14
sa mga “empty spaces” o kahulugan ng espasyo maliban sa kapaki-pakinabang na pagbasa. Pinatutunayang ang kalusugan ng pag-iisip ay nakukuha sa pagbabasa.
Ayon naman kay Olson sa Aklat nina Austero, et.al (2012), lohika ang tunguhin ng pagsulat kung kaya dahil sa pagsulat, naipahayag at naipakikilala ng tao ang sariling talino, husay, kakayahan at karunungan. sa gawaing ito naeeksamin ang nilalaman ng isinulat at nakikilala ang kamalian. Sa pagsulat, nangangailangan ito ng ibayong pag-iingat, dahil dito nakikilala ang kababawan o kalalaliman ng diwa ng paksang tinatalakay.
Sa aklat nina Marquez, et.al (2010), ang pagsulat ay iinog sa kung gaano kabisa at kasensitibong makabuo ng mga pahayag ang isang mag-aaral upang ang makakabasa nito ay maganyak mag-sip, kumilos at magsuri. Sa kalagayang ito, angkop ang paggamit ng cellphone, ang makabagong teknolohiyang ito dahil kahit sa kaunting bagay ay may maiaambag na kabutihan sa ipinahahayag.
Kahalintulad ng kasanayang pasulat ay ang pagbasa. Ayon sa aklat nina Arrogante, et al (2009), ramdam na bumababba ang antas ng kalinangan ng pagbasa sa kasalukuyan, gawa ng pagsulpot ng mass media – radio, telebisyon, pelikula at teknolohiya, kompyuter, internet, at iba pa na sa halip magbasa, mas kinikilingang-hilg ng

15
mga kabataan ang panood o pakikinig, kayat maraming detalye ang nakakaalpas sa buong kasipan.
Sa pahayag ni Cantre sa aklat ni Bare (2009), ang wikang Filipino ay intelektwalisado kung ito ay ginagamit sa mga teksto para sa mataas na karunungan at sa pang-akademikong layunin. KBILng dito ang pagdukal ng karunungan sa mataas na kurso sa kolehiyo.
Ayon kay Holloway, (2008), nagsimula ang paglaganap ng cellphone at naging popular simula pa noong 1990’s. Sa taong 2008 mahigit na 4 na trilyong mensahe ang naipadadala sa loob ng isang taon. Sa pagiging popular nito, nahubog ang panibagong pamamaraan ng pagpapabatid ng mensahe at iyan ay sa pamamagitan ng paggamit ng sellphone. Tanggapin man natin o hindi, ito ay nagdudulot ng malaking epektong panggramatika sa Ingles man o sa Filipino. Magkagayon man tinatangkilik pa rin dahil sa marami itong kapakinabangan.
Mula sa web site na http:wired safety.org., “Because of the time it takes to type messages on a phone keypad, text messages use shortcuts. These shortcuts mean that text messages are not complete words or sentences, but abbreviations and symbols, which are beginning to find their way into everyday language, recognized by traditional dictionaries and observed by some linguists as being a new language form. Example: f u do not undrstnd dis sNteNce U nEd 2 Lern txt-lingo.”
16
Sa Aklat naman nina Mangahis, et al (2008), bahagi ng mga pagbabago sa buhay ang pagbabago ng wika. Maging ang pamaraan ng komunikasyon ay umalinsabay rin sa pagbabagong ito. Binubuhay ng komunikasyon ang pag-unlad ng kultura at lipunan. Nang dahil naman sa pag-usad ng teknolohiya lalong umunlad ang komunikasyon kayat napadadali ang mga transaksyon. Ang cellphone na uri ng teknolohiya ay may malaking tulong sa gawaing ito hindi lamang sa pamamaraang pasalita kundi sa pamamagitan ng text messaging.
Ayon kay Danah Boyd (2007), ginagamit ang internet upang makalikha ng liham o mensahe upang makagawa ng isang kumunikasyon na ang kadalasang ginagamit sa pakikipagkumunikasyon ay ang facebook, sa kadahilanang madali itong gamitin.
Ayon kay David Kirkpatrick (1994), ang facebook ay mas higit na ginagamit sa pananaliksik, sapagkat ito raw ay napakadaling gamitin. Naniniwala siya na ang facebook ay mas lalawak pa at mas magiging mas kapakipakinabang at ito ay lubos na ginagamit upang makakonekta sa ibang lugar upang kumilanlan at makipagkomunikasyon.
KAUGNAY NA PAG-AARAL
Sa bahaging ito nakapaloob ang mga kaugnay na pag-aaral na isinagawa sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

17
Ayon kay Laura Jerpi sa Aklat ni Palo, (2014), ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon, ang buhay sa kasanayan sa paggamit ng cellphone. Sinasabing mahirap daw ang buhay ng tin-edyer kung wala nito. Patunay lamang ito na nakasalalay ang lahat sa teknolohiya lalo na kapag komunikasyon na ang pinag-uusapan. May mga positibo at negatibong epekto ang tahasang paggamit ng cellphone. Ang paggamit ng txt-lingo ay hindi lamang na nakakaalarma kundi ito ay patunay o nagpapahina sa kakayahan ng mga mag-aaral sa panggramatikang aspekto tulad ng wastong pagbabaybay, wastong pagbuo ng mga pangungusap, pagbuo ng mga salita at maging sintaks.
Sa pag-aaral ni Ferenstein (2012) ng Wake Forest, lubhang naaapektuhan ang pag-iissip ng mga kabataan sa Ingles
kaugnay ng estratehiya kung paano nabubuo ang txt meassages. Ipinakita sa pag-aaral na ito ang mahalagang ugnayan ng txt-
lingo at ang pagbagsak bg pagkatuto ng tamang estrukturang pangwika. Nabanggit pa rito na
“it’s like you have two languages in your head, and that sometimes, the language you use for texting bleeds into the work you do for school”.

18
Pinatunayan ng pahayag na ito na tunay na naapektohan ang mga gawaing panggramatika ng tahasang paggamit ng txt-lingo at nadadala ito sa paaralan.
Ang paggamit ng text-lingo ay may iba’t iabang epekto sa ayon sa pag-aaral nina Farentein (2012), at Plester et.al (2008) dahil walang makabuluhang kaugnayan ang txt lingo sa kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral gayundin sa tamang estruktura ng wika. Ayon sa kanila, dala ng pagbabago ng panahon nagbabago din ang wika. Ang paggamit ng txt-lingo ay maaaring magsulong isang intelektwalisado at maunlad na wika at sa kabilang dako, maaari rin nitong was akin ang kahalagahan at kagandahan ng wika.
Sa pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay kapwa tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit makabagong teknolohiya upang mapataas ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa sumasabay sa pagbabago ng panahon ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa intelektwalisasyon ng wika.
Sa Pag-aaral nina Plester, Wood, at Bell (2008) inilahad ang makabuluhang kaugnayan sa paggamit ng txt-lingo at ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na gumagamit at hindi gumagamit ng cellphone sa larangan ng Level of Academic Performance. Bilang kasagutan, inilahad ang kaugnayang resulta nito na mas mataas pa
19
rin ang kakayahang panggramatika ng mga mag-aaral na hindi gumagamit ng cellphone ngunit sumusunod pa rin sa tamang pagbaybay at pagbuo ng mga salita.
Sa ginawang pag-aaral ni Sto. Tomas (2008), ipinahayag na ang kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya ay mabisang pamamaraan upang mapataas ang bisa ng proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika.
Sa pag-aaral nina Castells at Manuell (2000), na ang social network ay isang bagong uri ng sistema na dulot ng makabagong teknolohiya na nag-reshape ng pakikipag-ugnayan. Sa ginawang pag-aaral ni Joseph Gayares (2012), Ang facebook ang pinaka-popular na social network site sa mundo at ito ay inilunsad ni Mark Zuckerberg noong 2004 bilang isang ekslusibong site ng mga baguhang mag-aaral sa Harvard. Ang facebook ang naging pinakasikat na social network sa mundo partikular na sa Asya.
Ayon sa website na http://www.digitalbuzzblog.com, 1 sa bawat 13 na tao ay gumagamit ng facebook (FB) kung saan 250 milyon ang nakalog-in araw-araw. 48% sa 18-34 na edad ay gumagamit ng facebook sa umaga pagkagising samantalang 28% naman ang gumagamit bago matulog. Dumarami na rin ang bilang ng mga gumagamit ng facebook na may edad na 35 pataas (74%). Dagdag pa dito, 700 bilyong minute bawat araw ang nakokonsumo sa panahon ng mga
20
gumagamit nito, 20 milyong aplikasyon bawat araw ang ini-installed, at sa loob ng isang minuto, mahigit isang milyong link ang naii-share, 2 milyon na friend request ang tinatanggap, at 3 milyong mensahe ang ipinapadala.
Ang language learning na binanggit sa pananaliksik ni Dr. Mehmet Demirezen (2010) ay tumalakay sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral na makasabay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa larangan ng wika at komunikasyong dulot ng makabagong teknolohiya. Magiging matagumpay ang pakikipagtalastasan kung nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit
sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat. Maaari itong maisagawa sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan.
KALAGAYANG PANSINING
Sina Villafuerte, Castillo, at Cantre (2008) ay naniniwalang ang kakayahang linggwistika ng mga mag-aaral ay maaaring humantong sa intelektwalisasyon ng wika na magagamit sa pagdukal ng mataas na karunungan sa pagtuturo ng wika at panitikan gamit ang midya. Sina Addison (2012), at Goodman (2010) ay naniniwala na kapakipakinabang ang pagbasa dahil marami na ang nagtatagumpay sa larangang ito lalo na kung ang bumabasa ay may pagkilala sa mga simbolo o titik na gamit sa teksto.
21
Ang pag-aaral nina Villanueva (2010) at Sto. Tomas (2008) ay kapwa tumutukoy sa kahalagahan ng paggamit ng makabagong teknolohiya upang mapataas ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang paggamit ng makabagong teknolohiya na sumasabay sa pagbabago ng panahon ay nararapat lamang na pagtuunan ng pansin tungo sa intelektwalisasyon ng wika.
Ang binanggit na mga pag-aaral ay may pagkapareho sa kasalukuyang pag-aaral dahil ang pokus ay ukol sa wika. Magkagayon man naiiba pa rin ang kasalukuyang pag-aaral dahil ang tuon ay text messages at facebook post na lalong mapataas ang talasalitan ng mga estudyante sa pamamagitan ng mga loanwords na kalimitang ginagamit ng mga estudyante sa kanilang pakikipagtalastasan o pakikipagkomunikasyon gamit ang cellphone o kompyuter.

22

TALA

Belen R. Palo. “Txt Lingo: Isang Kasanayan sa Pagbasa at Pagsulat.” (Di nalathalang Tesis, University of Nueva Caceres, Naga City, March 2014).
Joseph Gayares. “Social Network sa Pilipinas: Isang Kultural na Pagtanaw sa Facebook at Pakikipag-ugnayan ng mga Pilipino”. (Dalumat Ejournal, Vol.3 No.2, 2012).
http://www.theatlantic.com/education/archive/2013/11/facebook-has-transformed-my-students-writing-for-the-better/281563

KABANATA III
DISENYO NG PAG-AARAL
Sa bahaging ito itatampok ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik sa paglikom sa mga kailanganing impormasyon at datos sa pag-aaral. Inilahad ang paglalarawan ng populasyong pinagkunan ng mga datos, ang instrument ng pananaliksik, at ang kagamitang pang-istadistika.
Pamamaraan
Ginagamit ng mananaliksik ang descriptive analysis, panayam at sarbey sa pagkalap ng bunga ng pag-aaral. Masusing susuriin at pag-aaralan ang mga hiram na salita sa text messages at facebook post tungo sa pagpapaunlad ng talasalitaan ng mga mag-aaral sa hayskul sa pamamagitan ng mga katanungan na ukol dito.
Populasyon
Makikita sa talahanayan 1a ang mga respondenteng kasangkot sa pag-aaral mula sa mga napiling paaralang Pampubliko at pambribadong paaralan ng Ikalawang Distreto ng Camarines Sur sa antas Ikatlo at ikaapat na taon sa hayskul ng taong panuruang 2014-2015.
Ang kabuuang bilang ng mga respondente mula sa San Juan National high school at Bicol Central Academy sa grade 9 at ikaapat na taon ay Limandaang (500). Ginamit ang Slovin Formula
24
upang matukoy ang tama at tiyak na bilang ng mga respondenteng sangkot sa pag-aaral mula sa mataas na paaralan ng Malansad Nuevo.
Ito ang kalipunan ng mga respondente na nakatala sa talahanayan 1a: 250 sa grade 9 at 250 sa ikaapat na taon, na may kabuuang 500 na respondente.
Sa talahanayan 1B makikita ang personal profayl ng mga naging respondente ng pag-aaral batay sa kasarian.
Ang mga respondente mula sa Grade 9 ay 135 na mga babae at 115 na mga lalaki, at sa ikaapat na taon ay 140 na mga babae at 110 na mga lalaki. Sa kabuuan may 275 na mga respondenteng babae at 225 na mga lalaki.

25

Talahanayan 1A

BILANG NG MGA RESPONDENTE

Paaralan Baitang/Taon Babae Lalake Kabuuan %
A Grade 9 70 60 130 26
4th Year 65 55 120 24
B Grade 9 65 55 120 24
4th Year 75 55 130 26
Kabuuan 275 225 N=500 100%

26

Talahanayan 1B

PROFAYL NG MGA RESPONDENTE

Paaralan Parametro Grade 9 4th Year Kabuuan
A Kasarian
Babae 70 65 135
Lalaki 60 55 115
B Babae 65 75 140
Lalaki 55 55 110
Kabuuan 250 250 500

27
Instrumento ng Pananaliksik
Maghahanda ng katanungan para makuha ang mga profayl ng mga respondente at matukoy kung gaano tinangkilik ang paggamit ng text messages at facebook sa pakikipag-ugnayan.
Ang tugon ng ng mga respondente ay tatayahin at gagawan ng istatistika upang matukoy ang antas ng loanwords gamit ang text messages at facebook post.
Ang mga respondente ay gagamit ng cellphone/computer bilang paraan ng pakikipagkomunikasyon maging ito ay pag-aari nila o sa kanilang pamilya.
Kagamitang Istatistika
Gagamitin ang mga sumusunod na istatistika upang masagot ang mga tanong ng mananaliksik:
1. MEAN, ang gagamitin sa una at ikalawang suliranin upang alamin ang mga salitang hiram gamit ang text messages at facebook post sa pagpapaunlad ng morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
2. Pearson’s r, naman ang gagamitin sa ikatlong suliranin upang tiyakin kung may makabuluhang kaugnayan o kaibahan ang pagtanggap ng mga hiram na salita gamit ang facebook at text messages sa pagpapaunlad ng morpolohiya sa akademikong wikang Filipino.
LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO
PROFAYL NG RESPONDENTE
Pangalan: __________________________ Gulang: _____ Kasarian: _____
Antas ng Pag-aaral:
Grade 9 _______
4th Year _______

1. Ano ang mga loanwords sa text messages at facebook post na
ginagamit ng mga estudyante?
1. Anong Social network ang madalas ninyong ginagamit?
2. Ano ang naitutulong sa iyo ng social network na Facebook at
Text Messaging?
a. pag-aaral
b. sosyalisasyon
c. komunikasyon
d. libangan
3. Anong wika ang ginagamit mo sa pakikipagkomunikasyon gamit ang
Facebook/Text Messaging?
a. mother-tongue
b. bilinggwal
c. idyolek
d. sosyolek

4. Ano-anong mga loanwords ang ginagamit mo sa FB/Text Messages?
LOANWORDS SA FACEBOOK POST LOANWORDS SA TEXT MESSAGES
1. hashtag 1. group message/gm
2. throwback 2. wrong sent
3. trending 3. clan
4. selfie 4. quotations
5. grufie 5. personal message/pm
6. block 6. archive
7. poke 7. Bluetooth
8. unfriend 8. gudlak/good luck
9. upload 9. gudam/good morning
10. tag 10.gud ebb/ gud eve

FACEBOOK POST TEXT MESSAGES
11. status 11. gudmornyt/good mornight
12. download 12. havey
13. upload 13. waley
14. share 14. dinner tym
15. unlike 15. ASL/NASL
16. like 16. gudey
17. calendar 17. mwah
18. events 18. text message/tm
19. comment 19. lol/loughing out loud
20. notification 20. brb/be right back
21. invite 21. gtg/got to go
23. accept 22. tc/take care
24. sticker 23. ty/thank you
25. messenger / wifi 24. hbd/happy birthday
26. wacky 25. yolo
27. floodlikes 26. wtf

5. Anong mga ekspresyon na ginagamit sa pagtext?
a. talk text
b. emoticons
c.

Paano nagkakaiba ang mga loanwords sa text messages at facebook
post batay sa sa pagkakabuo ng salita at pagpapakahulugan sa mga salita?

1. Paano nabuo ang mga salita gamit ang facebook at Text
Messaging?

a. akronim
b. jargon
c. simbolo
d. mix-mix
d. eponyms
e. balbal

3. Ano-anong kaugalian ng mga kabataan ngayon ang makikita sa
batay sa mga loanwords?

1. narsisismo
2. stress reliever/pampaalis ng kapaguran
3. libangan
4. sosyalisasyon
5. self steem/pagkakaroon ng lakas ng loob

Anong pagpapahalagang pansarili ang naidudulot ng mga loadwords sa text messages at facebook post?

1. self reliever
2. self steem
3. less expressive

LOANWORDS SA TEXT MESSAGES AT FACEBOOK POST TUNGO SA PAGPAPAUNLAD NG MORPOLOHIYA SA AKADEMIKONG WIKANG FILIPINO

Pangalan: __________________________ Gulang: _____ Kasarian: _____
Antas ng Pag-aaral:
Grade 9 _______
4th Year _______

Aralin 8: Teoryang Eksistensyalismo Walang Panginoon ni Deogracias Rosario

Aralin 8: Teoryang Eksistensyalismo
Walang Panginoon
ni Deogracias Rosario

Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik niya ang kanyang ulo kahi’t saan. Saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayon man, kahi’t saan siya magsiksik, kahi’t saan siya magtago, kahi’t na anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.
“Tapos na ba?” Tapos… ang sunud-sunod namang itinutugon ng kanyang ina na paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig ang malungkot na animas.

“Ngunit, Marcos…” ang baling uli ng matandang babae sa anak. “Bakit ayaw mong marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya’y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una’y ang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatid mong bunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas na marahan at madalang ng matandang babae.

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga mata niyang galling sa pagkapikit kaya’t nanlabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subali’t sa kanyang sarili, sa kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may pangungusap, may nagsasalita.

“Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita, ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw,” ang sinasabi ni Marcos sa sarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang pagkuyom ng kanyang damdamin.

Akala ng ina’y nahuhulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si Marcos ay sapagka’t hindi pa natatagalang namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-iimpok na ginagawa upang maging isang ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya’y namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos kung gaano kakirot ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin. Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana’y mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak.

“Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,” ang sabi ng ina. “Walang pagsalang masasayahan ka roon.”

“Si Inang naman,” ang naibulalas na lamang ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi nang malakas. Sa kanyang sarili’y naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nito.
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, “disi’y hindi ako itataboy sa kasayahan.”

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang kapalaran sapagka’t mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng lupa nilang sinasaka.

“Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ng anak sa ina matapos matunghayan ang utos ng hukuman.
“Anak ko!” ang palahaw na pananangis ng matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. “Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?”
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka.

Ang sabi’y talagang sa kanunu-nunuan ng kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang sinumang nakikialam sa anumang maging bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o tubo, o kaya’y maging anuman sa mga gulay na tanim nila sa bakuran.

Subali’t nang bata pa ang kanyang ama ay may nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila. Palibhasa’y wala silang maibabayad sa manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di nila makuhang umalis doon.

Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila’y isang salapi lamang isang taon sa bawat ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa pagkakautang sa maylupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan at talinduwa.

Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang kapatid niya’y namatay din sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang kaya namatay si Anita ay sapagka’t natutop ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng halamanan, isang gabing maliwanag ang buwan.

Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahay at lupang binubuwisan?

Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul nang dumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang damo sa ilog.

Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa iskuwelahan na silong ng kumbento sa kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Nguni’t gayon man, nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto sapagaka’t sa pag-anib niya sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralan kundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, kahi’t manghiram lamang kung wala na siyang ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya’y salinwikang nito.

Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupa nilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya sa kasabihan, “Ang lahat ng tao, kahi’t hindi magkakakulay ay sadyang magkakapantay,” tinatanggap din niya ang palasak ng kawikaang “Ang katapat ng langit ay pusalian.” Dahil diyan kaya kahi’t bahagya ay hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita.

At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa ilalim kaya’t pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang.

“Marcos, matagal na naman kitang iniibig,” ang pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang may ilang buwan buhat nang siya’y mailigtas.

Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng kanilang ninuno at binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan.

Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mga kamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko.

Isang takipsilim nang marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malungkot na agunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino ang binawian ng buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay.

Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At nang tangkain niyang dumalaw minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawak na rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaaring maging dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kung siya ay mawawala.

Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong ay isinaman na lamang niya sa talaan ng pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa sa kanila. At saka noo’y pagtatangka pa sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa balita niya’y nalagutan ng hiningang siya ang tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng kanilang pawis na mag-anak.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa siyang makalunok ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao.

“Huminahon ka anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Bathala sa mga maliliit. Magtiis tayo.”

Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati’y sinakyan niya ang kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan upang ang palay nila’y magbungang mabuti? Saka ngayo’y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay.

Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala naman ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay nito, bago malagutan ng hininga ang kanyang ama.

Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y magsasarili: “Tutungo sa hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong, kailangang magkaroon din ako ng gayak paris niya.”

Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi na nag-usisa ang ina palibhasa’y nababatid niyang sa dibdib ng binata ay may isang halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain upang huwag magising. Wala siyang nalalaman kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda.
“Marcos,” sabi ng matanda. “Dalawang lingo na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong… kung may magiging sukli man lamang tayo sa ating ani ngayon?”

“Huwag ka pong mabahala, Inang,” sabi ng mabait na anak. “Nalaglag po ang dahon sa kanyang kapanahunan.”

Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayon man may nagunita siyang isang bagay na ibig niyang malaman sa anak.

“Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran?” Tinutukoy niya ang kalabaw na mahal na mahal sa lahat ni Marcos.

Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali’t ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit…

Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. “Walang mang-aalipin kung walang magpapaalipin.” Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama, katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad na mahamig na lahat ang kayamanang gayong minana sa kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari at nagbubuwis pa.

“Kailangang maputol ang kalupitang ito!” Ang tila pagsumpa sa harap ng katalagahang ginawa ni Marcos.

“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at latigo, anak ko?” ang tanong ng matanda kay Marcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan.

“Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawang sagot ng anak. “Kung tayo po’y nakaalis na rito, tayo’y magiging malaya,” ang tila wala sa loob na tugon ng anak.

Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter, saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umuungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan ng bayan. Kung dumating siya’y dinaratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila.

“Salamat, anak ko, at dumating ka,” ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’y napahamak ka na.”

Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong ito at ang kanilang panginoon, ay hindi makapagpigil ang isa’t isa. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sa baywang ang mayamang asendero buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni Marcos.

Subalit isang hapon, samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis, walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay Don Teong ay tila may sinumpang galit sapagka’t bigla na lamang sinibad ang matanda at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.

Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangan pagsisiyasat subali’t ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan. Hindi nila malaman kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya gumagalaw, hindi siya nababahala.

Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin, ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw.

“Mapalad na hayop na walang panginoon,” ang kanyang naibulong.

Aralin 6: Teoryang Klasismo WALANG SUGAT (Ni Severino Reyes)

Aralin 6: Teoryang Klasismo
WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)

Picture

Unang Bahagi
I TAGPO
(Tanaggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam 
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik 
tumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Pannyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.

Panyo’t dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro : Ang karayom kung iduro
Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan: 
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumugiit.

Mga irog natin naman
Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot
Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

Salitain

Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.

(Papasok ang magkasisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO

(Tenyong at Julia…)

Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang     pagkakayari, nakakahiya.

Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na 
Hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing,
Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong  tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo)  Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntung hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.

Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?

Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.

Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin nang tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis maraming butil at nag nag-aalab na magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).

Musika No. 2

Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang  iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.

Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO 

(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)
Salitain

Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip pa ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay maitutulad sa bango sa bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.

(Telong Maikli)
Kalye

IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas

Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.

Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO

(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).

Salitain

Relihiyoso1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!

Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0:   Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro-awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).

Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.

Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.

Relihiyoso 1.0; Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among
(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador? 

Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!

Relihiyoso 1.0: Dalhin  dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo : Bakit ka mumurahin?

Juana : Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana : Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.

Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po…

Julia : Alin po ang malapit na?

Miguel: Ang… ang… ang…

Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)

Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?

Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko! 

Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel : Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo : Malapit na ang alin?

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).

VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na angbtao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…

Putin : Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.

Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among. 
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).

VIITAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)

Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamngmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin : Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!

Musika

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain

Tenyong:   Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray luray na ang katawan… Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin … Juana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)

Musika No.2

Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman, buto samapung taba, di makababayadsa utang na madla.

(Mga Babae at Lalaki)

Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…

Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay  ni Tatang,  Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin : Inggo ko… Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli

VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain

Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhi.

Isa : Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako ma’y mayroon din.

Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.

Isa : Mga tampalasan.

Isa pa : Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia : Tenyong, Tenyong!

Tenyong: Julia!

Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may dandam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?

Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.

Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nnag hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!

Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia : Oh, Tenyong ng buhay!

Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa tren).

Telon
Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain

Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia : Wala po!

Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.

Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga- anong pusu-pusoang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalaking mangingibig, ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!

Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana : Julia,  tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia : Wala po!

Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia : (Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain

Julia : Monicaaaaaaaaaa, Maonicaaaaaaaaaa.

Monica: (Sa loob) Pooo!

Julia : Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon ka kay Lukas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok).

III TAGPO
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika

           Dalit ni Julia

Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,
Atbaka di na abutin
Si Julia’yhumihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawain minsan man isang taon.

Salitain

P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t na pakalumbay lamang…

Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating… Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).

P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana : Mabuti po, among.

Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel : Baka po ako murahi

Aralin 5: Teoryang Romantisismo “BABANG-LUKSA” (Tula/Pampango)

Aralin 5: Teoryang Romantisismo
“BABANG-LUKSA”
(Tula/Pampango)

Salin ni Oliva P. Dantes ng
“PABANUA” ni Diosdado Macapagal

Picture

Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw 
Tila kahapon lang nang ikaw’y lumisan;
Subalit sa akin ang tanging naiwan,
Mga alaalang di-malilimutan.

Kung ako’y nasa pook na limit dalawin
Naaalala ko ang ating paggiliw;
Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin
Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.

Kung minsa sadya kong dalawin ang bahay
Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan;
Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar,
Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw.

Sa matandang bahay napuno ng saya
Sa araw na iyo’y pinagsaluhan ta;
Ang biyayang saglit, kung nababalik pa
Ang ipapalit ko’y ang aking hininga.

Bakit ba, mahal ko, kay-agang lumisan
At iniwan akong sawing – kapalaran
Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay
At sa pagyaon mo’y para ring namatay?

Marahil tinubos ka ni Bathala
Upang sa isipa’y hindi ka tumanda;
At ang larawan mo sa puso ko’t diwa
Ay manatiling maganda at bata.

Sa paraang ito, kung nagkaedad na
Ang putting buhokk ko’y di mo makikita:
At ang larawan kong tandang-tanda mo pa,
Yaong kabataan taglay na tuwina.

At dahil nga rito, ang pagmamahalan
Ay hanggang matapos ang kabataan;
Itong alaala ay lalaging buhay,
Lalaging sariwa sa kawalang, hanggan.

Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw
Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay;
Ang ating pagsintang masidhi’t marangal
Hindi mamamatay, walang katapusan.

Ang kaugalian ng ninuno natin
Isang taon akong magluluksa mandin;
Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim;
Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling.