Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo (Libmanan)

Ang Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo

            Kalikasan ang nagbigay nitong kapirasong lupa na tinawag nilang Mambulo Nuevo. Sagana ito sa mga kagubatan, bukal, mga natural na kanal, malinis na tubig na maraming isda, mga mababangis na hayop at mga damuhan na sagana ng mga iba’t-ibang klaseng halaman. Ang mga matataas na bundok ng Tangkong Baka, ang pinakamagandang lugar para tirhan. Ang lugar na ito ay wala pang masyadong tao dahil sa kinatatakutan nilang napakalaking ibon na kumakain ng mga tao. Mayroon pang istorya na ang mga bundok dito ay puno ng mahika. Nakakita daw ang mga mangangaso ng nagliliparang mga kumot na parang isang nagigintuang mga baka, kaya tinawag nila itong “Tangkong Baka”.

            Taong 1700 hanggang 1800, dumaong ang mga Muslim sa mga baybayin dito. Ang mga tao ay nagsimula nang lumikas. Ang iba ay pumunta sa tinatawag na ngayong “Pamplona”, ang iba naman ay nasa gitna ng Libmanan at Pamplona na kung saan matatagpuan ang grupong KINOYOGAN na nagbibigay ng pangalang Mambulo pagkatapos ng salitang “bulo” Pagkaraan ng buwan, hinati ito sa dalawang distrito at dinagdagan ng “Viejo” (“luma”) at  Nuevo (“bago”) sa Mambulo. Ang mataba nitong lupa ay tinamnan ng mga iba’t-ibang uring halaman lalo na mataas nitong parte (Mambulo Nuevo). Nang ang Libmanan ay nasakop ng mga Espanyol, ang Mambulo Nuevo ang nagsilbi nilang tirahan. Ang ilan ay gumamit ng kaingin upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan. Ang iba ay ipinagpatuloy ito sa matataas pang lugar. Ang mga tao ay umalis ng grupo dahilan upang makakita sila ng pagtatanim ng palay, pumunta naman sila sa mabababang lugar. Ang mga tao dito ay likas nang palakaibigan sila ay sumasayaw kapag may mga okasyon o pista ng kanilang patron. Meron silang tinatawag ng “moral laws” na kailangan nilang sundin. Ang mga bata ay palaging nagmamano sa mga nakatatanda.

            Mayroon silang responsableng lider, at sinusunod ng lahat. Lumipas ang panahon, sinunod nila ang mga tao na galing sa “puweblo” Pero hindi sila lumahok sa eleksyon ng mga opisyales. Nagkaron sila ng isang assembleya na ginanap sa Mambulo Nuevo. Ang adyenda ng pulong ay para sa makagawa ng bagong baryo na maghihiwalay sa Mambulo Nuevo at Mambulo Viejo. Napagkasunduan nila na ang Mambulo Nuevo ay gawin nang pormal ng pangalan. Ang Mambulo Nuevo ay ang pinakamalaking barangay sa Libmanan.

One thought on “Alamat ng Barangay Mambulo Nuevo (Libmanan)

  1. di ba dapat nauna ang Mambulo Viejo,.. nasaan ang alamat? ang pinagmulan lang ng pangalan? ano ibig sabihin ng bulo? which is the root word ng MAM-BULO? san nyo po to nakuha?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s