Alamat ng Barangay Tarum(Libmanan)

Ang Alamat ng Barangay Tarum

            Noong unang panahon, panahon pa ng Espanyol, marami nang digmaan ang naganap sa iba’t-ibang lugar sa Bicol. Sa mga panahong ito, marami nang tao ang namatay at marami na rin ang nasugatan. Naisip ng mga tao o ang mga mandirigma na humanap ng lugar na kung saan puwede silang magpagaling at ayusin ang kanilang mga sandata. Nakahanap nga sila ng lugar, ngunit hindi pa nila alam kung ano ang pangalan ng lugar na ito. Nagtanong-tanong sila ngunit wala rin ni isa ang nakaalam. Isang araw, naisip ng kanilang kasamahan na ayusin na ang mga kani-kanilang mga sandata. Wala pa nung baril o kung meron man ay kakaunti lang dahil sa sobrang mahal ang isa. Mga  bolo lamang ang kanilang mga sandata. Napansin ng isa na sobra na ang pagkapurol ng mga ito. Napansin din nito na marami na ang mga sirang sandata. Nag-isip ito kung papaano ito magagawan ng solusyon. Pagkainumagahan, nagpatawag ng pulong ang lider ng mga ito. Sinabi nito ang naisip ng kanilang kasamahan kung papaano ito aayusin. Sabi niya, kailangan ng mga bato sa paghahasa. Nagkataon naman na ang lugar na ito ay sagana sa bato. Sinimulan na nga nila ang pag-aayos. Nakaugalian na ng mga ito na bago humarap sa isang digmaan ay pupunta muna sila sa lugar na ito para ihanda ang kanilang mga sandata. Naisip nila na tawagin itong “TARUMAN” na ibig sabihin ay ang lugar na kung saan hinahasa ang kanilang mga sandata. Lumipas ang panahon, ang mga matatandang tao dito ay pinagtibay ang tawag nilang ‘TARUMAN” ay gawing “TARUM”. Hanggang sa nakagisnan na ng mga tao dito na tawagin ang lugar na ito ng “TARUM”. Ngayon, ang Brgy. Tarum ay matatagpuan sa parting Timog ng Brgy. Mantalisay, Nasa hilaga ay matatagpuan naman ang Brgy. Patag. Kanluran naman ng Barangay Candami at nasa silangan ang Barangay Camambugan. Meron itong pitong (7) sona  at binubuo ng 633 ektarya ng lupain. Ang mga pangunahing hanapbuhay dito ay ang pagtatanim ng palay at mga gulay. Karagdagan pang impormasyon, na ang patron ng Brgy.        Tarum ay si _________________________ na kung saan gumawa ito ng isang malaking himala na ______________________________________. Ginugunita ang pagdiriwang ni _________________________ tuwing ika 14 ng Mayo. Tuwing sasapit ang araw na ito, nagdadasal ang mga tao at nagpapasalamat sa mga biyayang natanggap nila sa buong taon. Yan ang alamat ng Brgy. Tarum.

8 thoughts on “Alamat ng Barangay Tarum(Libmanan)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s