KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN(Tula)

KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN

Tulang di-malayang taludturan

(Ikalimang Pangkat)

Kapaligiran natin Diyos nag-alay

Ito’y mahalagang bahagi ng buhay;

Sa mundong ito, lahat magkakaugnay

Biyayang bigay, buhay binigyang kulay.

Ito ay isang magandang kayamanan

Na dapat nating pagkaingat-ingatan;

Ang pundasyon ng ating kinabukasan

Ang ating mahal na Inang Kalikasan.

Pag-unlad nasa isip ng bawat isa

Inuuna Agham at Teknolohiya

Kalikasan ay naisasantabi na

Pati na rin mga sarili nila.

Kalikasan kapag ating pinagyaman

Dulot nito’y biyaya sa sanlibutan;

Ngunit kapag ito ay pinabayaan

Hatid nito’y pinsala sa ating bayan.

Walang imposible kung magtutulungan

Tiyak pagbabago ating makakamtan;

Magkaisa gobyerno at mamamayan

Kung ito’y masira tayo’y mawawalan.

One thought on “KALIKASAN ATING GINTONG YAMAN(Tula)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s