Balagtasan

Balagtasan

                                            Dapat bang hatiin ang Camarines Sur

 

Lakandiwa: Sa lahat ng nangaritong guro namin at kalahok

Sa lahat ng estudyante at aming kamag-aral

Sa lahat ng panauhin dito po’y napipisan

Ako pong si ____________, mapitagang nagpupugay

Kung inyo mang nakikitang, kami’y mga kabataan

Subalit sa nangyayari’y mulat na ang kamalayan

Kami’y ngayon isinilang, hindi kahapon o bukas

Na ang paaralang ito, ang saamin ay nagmulat

Kaya kami’y mayroon ng pang-unawa at hinagap

Kaya amin na pong batid, sa ngayon ay nagaganap

Katulad ng paksang sa buong probinsya ay laganap

Pati na rin ang kabataan ay sangkot sa anumang hinaharap

Dahil dito ang pinaksa sa amin pong balagtasan

Dapat bang hatiin ang Cam . Sur sa kabila ng kariwasaan

Na siyang ating natatama sa kasalukuyan.

O upang magkaroon pa si Cong. Noli Fuentebella ng mapaghaharian

Iyan ang mga katanungang sa ating balagtasan ay bibigyang kalinawan

At upang mawala sa isip ang anumang agam-agam.

Kaya upang di na tayo, mamahay sa pananabik

Binubuksan ko na ngayon, ang tabing na nakapinid

Nitong ating balagtasan, tagisan ng diwa’t – isip

Sa masining na taludto, at taginting niyong tinig

Naririto ang dalawang. sa tula ay magtatagis

Sila’y inyong salubungin ng palakpakang walang batid.

Sa Panig Ng Di Dapat:

Pagkat ako’y isang kabataang lalang sa panahon

Isinilang at lumaki bilang bagong henerasyon

Na ang puso’t isipay tuon sa ating pag-ahon

Kung malugmok ma’y nais ng pagbangon.

At hayag ang isipan sa mga balitang sinuma’t saan

Kami’y sangkot bilang pag-asa ng bayan

Pero bago pumalaot, sa arena ng tulain

Ako pong si_______, bumabating buong giliw.

Kung tunay man na maganda, angt pangarap at layunin

Kaya sila ay nangahas, ang  layuni’y susuungin

Subalit ang nangyayari, ay nagiging suliranin

Di lang ng taumbayan pati gobyerno natin

Kaya nga sa ating paksa, labis ang aking pagtutol

Labis akong nasasaktan sa balitang itutuloy

Kaya habang  di pa huli’y, dapat nang maputol

Ang kanilang layuning na animoy hindi pattas na hatol.

Labis din akong naiinis sa may mga utak na mapurol

Na ginagawang laruan ang paghati sa Cam . Sur

Isipin lang ang dahilan, sa hangarin na kumita

Ng bilyong salapi na halos dinuktor pa ng may sala

Ng napapabalitang si Cong. Noli Fuentebella

Na ang nais ay magkaroon ng mapanghahariang probinsya.

Kaya gusto ang Cam . Sur ay maging dalawa

Dahil nais niyang ang isa’y s kaniya.

Totoo’y tunay ang Cam.Sur ay nangunguna,

Ngunit ano pang mangyayari kung ang Cam . Sur ay hati na?

Lahat ng ating pinagtulungan ay bigla – biglang mawawala

Lahat ng ating pinaghirapan ay basta-bastang  masisira

Kaya sa aking buong puso’t diwa,

Tunay akong hindi tumututol sa nais ng may sala

Lakandiwa:

Ang panig ng di dapat, sa katwiray narinig na

Ang paghati sa Cam . Sur, wika niya’y pigilin na.

Ang ugat ng sanhi nito’y binanggit isa-isa

Ang siphayong aabutin, ng bawat isa

Ang gayon daw kasawian, upang di na abutin pa

Di na nararapat, Cam Sur ay hatiin pa

Ngunit ang bagay na ito, atin munang pag- isipan

Nangyayari sa probinsya, dapat nating pag-aralan

Sa kabila ng banta, na ating tatamuhin

Bakit tayo di paring magawang ipaglaban karapatan natin

Tutuklasin natin ngayon, yaong ugat at dahilan

Nang pag-iisip sa hatian ng mga taong pulitika ang nasa isipan

Hindi kaya ang dahilan, ang makasariling kaisipan

O dapat lang talaga para sa bawat bayan

Na nais ang pag ahon sa kahirapan

O kaya ang krisis na hinaharap sa kasalukuyan?

Na mas madali ang pag unlad kung maliit ang pangangasiwaan

Yan ang sasang-ayon ikalawa para sa balagtasan

Mamamayan nga ba’y  totoong sang-ayon o ay di dapat

Paanong di dapat, ano ang dahilan

Ngayon ay maririnig panig ng dapat at yaong kalinawan

Tiyak nga bang matutubos, tayo sa kahirapan?

Ang panig naman ng dapat, atin ngayong pakinggan

Sa ngayo’y salubungin sa tunog ng palakpakan.

Sa Panig Ng Dapat:

Sa lahat ng narito, ako po’y nagpupugay

Akong si __________, bumabating buong galang

Sinabi ng lakandiwa, bago ako tinawagan

Na ating munang suriin, alamin at pag-aralan

Sa kabila ng banta, sa bawat ating mararanasan

Kapag di tayo tumutol sa kanilang kagustohan

Ang mang yayaring hatian ay di na dapat pigilan

Ito’y karapatan ng pulitika na mayroong kalayaan

Angt pag set up ng “Nueva Camarines” bilang bagong probinsya

Ay isang kalarat karapat- dapat ng pag-asa

Di man, suma- ayon tulad naming na lamang

 

Lakandiwa:

Wika ng ikalawang panig na yaong asenso’t kilalanin

Na uusbong di malayong mararting ay hhihhigitan

Wika pa’y pag-asa pwede mong asahan

Sa bagong probinsiyang uusbong kung sakali mang

Maging sa pamumuno ni Cong. Noli sa kanyang kaharian

Anumang suliranin bibigyang kalinawan

Upang atin nang masapit, yaong huli nito’t wakas

At atin nang masilayan, hinahanap na liwanag

Sa inyo ay ibabalik, dalawang mambabalagtas

Ang kanilang huling tindig, nang sa ati’y isiwalat

Upang magkainspirasyon, ang dalawa sa pagbibigkas

Sila’y muling salubungin, matunog na palakpak.

Sa panig ng Di- dapat:

 

Kung tunay man ngang totoo ay iyong bawat isiniwalat,

Kung totoong sa hinaharap ay hindi tayo masasalat

Kung totoong walang masasabi, korupsyon nakakalat

Kung tunay na walang sa pangalang niyo ay magpapaalat

Ngunit sa aming naririnig puro nilalaman ay kasinungalingan

Pag-asenso ng bawat bayan ay di na makakamtan

Hindi pa man tiyak at nasa pwesto

Maaga na ang mga pangakong napapako

Matagal nang may tiwaliaan ang tulad mo o sa panig man

Ngayon, ano ang nangyari sa mga pondo

Nang DPWH para sa taumbayan at sa kapakanan nito

Na inilaan lang para sa sarili mo

Ngayon naganap ang balita, patalastas at printed ads saan man

Na tumutukoy sa mangyayaring hatian

Nakasaad pang massacre ang ating kinabukasan

Siguro bukas makalawa’t wala na tayong kalayaan

Aalisin pati na an gating karapatan

Paghawak na niya ang ulo natin at kamalayan

Siguro hindi lang ang probinsya natin ang hahatiin o hinati

Nandyan ang Lanao, Zamboanga’t

Pero sa sitwasyon natin di malayong masusungkit

Ang parangarap na hangad ngayong pinuno ay pikit

Sa pagharap sa mga problema natin at suliranin

Bubulsahin pa ang perang pondo at lahat ay kakamkamin

Tulad na lamang ng pondo para sa kapakanan ng mga mangingisda,

Nawala ito kaya pala’y sa viewdeck, warehouse at staffroom ni

Cong. Fuentebella napunta

Siguro’y bulag o nagbubulagbulagan lang ang iba

Na may tiwalan at kurapsyong nagaganap nap ala

Ang iba’y pili’t paring tatapalan ang kasalanan ni Fuentebella.

Lakandiwa:

Sinasabi ko na nga bang, ang panig ng di sang-ayon

May inimbak na katwirang, sa katalo’y ibububnton

Ang katwirang inihanay, sa tanong at huling tugon

Ay tulad sa punungkahoy, na kay labay ng yamungmong

Moog siyang sakdal tibay, paimutok ma’t dumagundong

Ay hindi magigiba, ng bagyo ma’t maging lindol.

Kaya para sinabi niyang nararapat na mapigilan

Ang sa hinaharap at mangyayaring hatian

Nais niyang ang korupsyon ay matigilan

Nais niyang walang mawala sa pondo ng bayan

Nais niyang protektahan ang kaban ng taumbayan

Nais niyang manguna parin ang kanyang sinilangan.

Katwiran ng hindi dapat, na sa ati’y ibinigay

Masasabing malinaw pa sa marilag na Pinay

Kaya hindi siya…payag sa mangyayaring hatian

Ang pangalan ng Cam Sur sa unahan

Nais niyang manatiling, ang Cam . Sur sa unahan

Nais niyang ang Cam . Sur manatiling namer wan.

Nais niyang sa pananaw ng nakararami

Na pera lang ng bayan ang nais ng nasabi

Na dapat pigilan at dapat iwaksi

Na dapat di-ipagsawalang bahala ng bawat isa sa atin.

Huling tindig ng dapat, ngayon nama’y ating dinggin

Sa matunog na palakpakan, siya’y salubungin.

Sa Panig Ng Dapat:

Kayong lahat ng narito, sandali pong magnilay

Sa simbuyo ng damdamin, huwag tayong patatangay

Sa takbo ng buhay ngayon, dapat po tayo’y praktikal.

Isipin ang pagbabago di lang sa pulitika kundi’t sa’yong bayan

Alisin ang agam-agam sa inyong isipan,

Pag natuloy ang hatian di kayo pababayaan.

Kababayan natin, isipan ang tao’y nagbabago rin

Malay niyo ang tiwali magkakonsensya na din

Ang tao ay tao lang at hindi perpektp

Nagkakasala pero nagbabago

At kaya niyang isulong ulit ang bayang mahal mo

Aalagaan, paaangatin at di ipagkakanulo

Na walang halong pangako, sandatang pagkamatapat lang ang dala

Kaya tayong lahat, sa hati Cam . Sur ay di dapat mangamba

Matuloy man. Tamang daan ang patutunguhan

Tayong lahat ay manginginabang

Sa progreso at pag-asensong inyong inaasahan

Sang-ayunan nalang natin at layunin nila’y pakiisahan…………

IKAAPAT NA PANGKAT:

  MARIANO

  NONATO, Wena

  GUIRUELA, Abegail

  ABANTE, Angelica

  ROSERO, W.

  SALAZAR

  ABRIL, John Derik

  MADERAZO

  MAYOR, Chester

  AQUINO, Regina

Ipinasa kay: G. Ronilo B. Palmaria

Guro sa Filipino II

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s