Balagtasan

Tema: 

Dapat ba o Hindi Dapat Hatiin ang Camarines Sur?”


LAKANDIWA:
Mapayapang umaga po ang handog ko sa lahat,
Ng mga naririto kasagutan ang hangad,
Kaisa ko kayo sa mithiing pangarap,
Kaya’t danghing tugon sa panyayang pahayag.
Isang paksang sa panahon ay talagang nababagay,
Ang sa ngayo’y itatampok sa ngalan ng Balagtasan,
Dapat ba o hindi dapat hatiin ang Camarines Sur
Nang bayang ngmimithi ng kasaganahan?

Umaga ay ipinuol sa mambabalagtas,
Lilinawin ngayon paksang inihaharap,
Dalawang ito’y lubhang magkasalungat,
Parang aso’t pusang laging nagbabaga.

Una kong tatawagin magandang binibini,
Bicolanang naghahangad ng pagbabago,
_______ ang pangalan,
Naniniwalang dapat hatiin ang Camarines Sur.

DAPAT:

Masayang umaga po sa mga panauhin,

Na nagkaroon ng pagkakataon tayo’y magkapiling,

Masakit man sa loob kong may tatanungin, 

Kung sino man dapat ay bakit di iibigin.


Kung mayroon kang malasakit sa bayang sinilangan,

Tiyak gusto mong Cam. Sur ay hatiin,

Sa paraang ito kasaganahan ating makakamit,

Economic Development ang benepicio.


Mga bayang naeesyapwera ,

Mabibigyan na ng atensyon,

Di lang nakasentro sa Naga at karatig-bayan nito,

Kaya ang mangyayaring hatian ay ‘wag pipigilan.


LAKANDIWA:

Napakinggan nating lahat ang katwirang pumanig,

Na dapat daw magkaroon ng Nueva Camarines,

Sunod nating tatawagin upang dito’y humagupit,

Panig ng di dapat salubungin natin ng mainit na palakpak.


DI DAPAT:

Mapagpalang umaga po sa inyong ay inihahandog ko,

Gayundin naman sa binibining aking katungali,

Ang lingkod po ninyong ________ ang ngalan,

Laging nananalo sa lahat ng paligsahan.


Huwag magmadali sa pag-abot ng pangarap,

Lalo’t paraan mo ay hindi nararapat,

Kailan ba magsisisi kapag huli na ang lahat.

Kaya makinig sa aking isisiwalat.


Ang Camarines Sur ay di dapat hatiin,

Pagkat ito’y ginawa ng Diyos na buo,

Hindi din solusyon ang hatian,

Sa pag-unlad nitong ating bayan.


LAKANDIWA:

Nakatapo ang unang round nitong ating balagtasan,

Na kapwa nakatindig ang dalawang naglalaban,

Hahayaan ko na silang magpambuno’t magkagatan,

Kababayan, isa pa ngang masigabong palakpakan.


DAPAT:

Sa katalong nagkamali ng hinala,

Ipahiram muna sa akin iyong tenga,

At makininig ng mabuti saaking sasabihin,

Nang maliwanagan naman yaong isipan.


Camarines Sur ay dapat hatiin,

Nang maranasan bagong pamahalaan,

Per capita income din ay dodoble,

Na makatutulong sa pag-unlad natin.


DI DAPAT:

Salamat di sa katalong niliwanag ang paksa,

Ngunit jan ka nagkakamali sa iyong akala,

Di dapat hatiin itong ating lalawigan,

Dahil mas lalabong makamit ating kaunlaran.


Madodoble nga ang sinasabi mong income,

Pero madodoble rin ang korupsyon,

At ang sinasabing income ay mauubos din,

Dahil sa mga gahaman na pulitiko.


DAPAT:

O aking kaibigan diyan ka nagkakamali,

Di ba sa atin din nakasalalay ang lahat?

Para saan pa ang sinasabing halalan,

Kaya tayo parin ang pipili ng ihahalal.


Isipin na muna natin ang pagbabago,

Bago ang sa larangan ng pulitika,

Paunlarin itong ating bayang sinilangan,

Para sa mga susunod pang henerasyon.


DI DAPAT:

Katipan na naghahangad ng pagbabago,

Ngunit kung isasantabi ang pulitika,

Tiyak mas lalayo tayo sa kaginhawahan,

Makinig ka sa aking sasabihin.


Ang Cam. Sur ay pinakamalaking probinsya sa rehiyon,

At nagkaroon na ng pangalan sa larangan ng International Business,

Kaya kapag ito’y mahati mabibinbin ang mga negosyo,

Sa panlabas na pandaigdigang hanapbuhay.


DAPAT:

Kapag may Nueva Camarines mas lalong madagdagan,

Ang ira nito na galing sa ating gobyerno,

Dahil ayon sa ating Saligang batas,

Bawat probinsya ay may alokasyon galing sa National Budget.


Ang mga opisyal ng lalawigan ay magkakaroon ng pera,

Upang malutas mga pangunahing problema,

At tiyak magkakaroon pa ng atensyon,

Upang makapagpagaw ng imprastraktura at kabuhayan.


DI DAPAT:

Ang landasin sa pagsinta, sa lugar ay itama,

Ang pagbuwag sa Cam. Sur ay itigil.


DAPAT:

Mabuburo ang byuti ko kung paghati ay di magagawa.


DI DAPAT:

Kaysa magdusa sa paghihirap, mainam pang ako’y mabalisa.


DAPAT:

Iyan ang iyong paniniwala!


DI DAPAT:

Tukoy ko ang mali’t tama!

LAKANDIWA:

Tumigil na kayong dalawang umuusok na ang tutok,

Sumapit na ang sandali upang tayo’y magkatapos,

Igagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,

Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok.


Sino’ng dapat ba tanghaling kampeon nitong balagtasan?

Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiran,

Kaya itong aking pasya: Sila’y patas, tabla lamang,

Muli nating paulanan, malutong na palakpakan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s