Balagtasan

BALAGTASAN
“Makatarungan ba ang maaring magiging hatian sa Camarines Sur?”

Lakandiwa: Sa lahat ng nangaritong guro namin at magulang
Sa lahat ng estudyante, at aming kamag-aral
Sa lahat ng panauhin, na dito po’y napipisan
Ako pong si Brian Bonsol, mapitagang nagpupugay
Kung inyo mang nakikitangi kami’y mga kabataan
Subalit po nagyayaong mulat na ng kamalayan

Ang patulang pagtatalo, kung tawagi’y balagtasan,
Ang nag-ugat kay Balagtas na hari ng panitikan
Pinkian ng mga diwa na ang pantig ay may bilang
Nabubuo sa taludtod na may pirma sa hulihan
Mga pantig at taludtod na sa saknong nakalagay
At sa danyos ng idayog, nabubuo ay katwiran

Kami ngayon isinilang hindi kagapon kundi ngayon
Na ang probinsya ibig po naming isiwalat
Kaya kami mayroon ng pagtanaw at hinagap
Kaya amin na po’y batid sa ngayon nangyayari
Wari’y isang hatian sa lalawigan ay nagaganap
Makatarungan ba o masama ang hatiang laganap?

Kaya ngayo’y hayaang sa gitna ay makatindig
Ang makata ng Libmanan may malakas na tinig
Mabuti kay iyang bunga nitong hatian ay pabayaan
Yaong kanyang kabalingan ng pagpuna at hagupa
Sa tunog ng palakpakang kaya pampagana

Panig Sa Dapat: Noong ako’y isalang ko nalalaman
Sa paglaki ay namulat na ito ya daligdiga
Hinubog ni ama’t ina ang diwa ko’t isipan
Sa magandang simulain at dakila’y mga aral
Hindi sila napapagod at matiyagang nagsalaysay
Hangang ako’y magkaisip, pumasok sa paaralan

Ngunit bago pumalaot sa Arena ng tulain
Ako pong si Jake Mallari, bumabating buong giliw
Kung tunay man na ang pangarap at layunin
Kaya guso ng karamihan hatiin ang lalawigan
Subalit ang nangyayari ay nagiging hidwaan
Upang ipalaganap ay mabuting hangarin

Ang batas na hatiin ay biyaya’y Camarines
Akda ni Ginoong Fuentabella sa Congresso
Ay siya kung lubos na pinapanigan
Batas na magpapaunlad sa lalawigang lupaing
Nueva Camarines at Camarines Sur mapaunlad
Anaki’y nakabubuti sa lahat ng mamamayan

Batas na ito ay ating pagbigyang
Upang kasaganahan at kaligayahang makamtam
Dalawang lalawiga’y first class kia nga
Sa bansang Pilipinas, bansang pagpaunlad
Upang sa pagbuto’y di tumbas kahihiyan
Kaya katunggali’y paumanhin kung tama aking nasambit

Lakandiwa: Ang susunod na titindig ay makisig na binata
Sa lugarin ng Tarum, isinilang ng tadhana
Ang talinong inaangkin, sadyang bagay na panagupa
At ang inig niyang taglay, naaangking sa pagtula
Ang husay niya sa balagtasan ay tularan sa paghanga
Walang iba’t si Camaing lagging busog iyang dia.

Di Panig: Bago ako magsimula nitong aming pagbangayan
Sa kalabang panig, ay hingi kaunlaran
Sa panig man ng katotohanan, ito’y saksakin
Di ko hangad makasalat o sumugat ng damdamin
Pagkat iyang katwiran niyo’y hindi pairalin
Hangad mo’y di mabuti sa lakas ay iyong bayan.

Hindi dapat na tiyakin at kagatin sa tulaan
Ay dapat na ibubunga sa pagdating niyong araw
Pag Cam Sur sa hati’y, masaker ay kinabukasan
Na ibig sa dibdib sa pangkorakut sa bayan
Pagkat di mo matantong hatia’y masama sa kamkam
Sa paghati sa lalawignag mahal ay dapat iwasan

Mga Fuentebella’y di na dapat tularan
Mga pulitiko’y silaw sa yaman at kapangyarihan
Mga tradisyunal sa pulitikong mutirngang trato
Sapin-sapin sa paa, abot abal sa laksa
Hatia’y ginugol pa ang maraming saluga’t pagod
Kung magkaroon ng bagay sukat sa karamyaan

Kayat abot langit ang ibig pagtutol
Sa maling paniniwalang iyon tinututulan
Palansak angkomersya sa ekonomya
Mula sa first class ay bumagsak sa putikan
Ng dahil sa mga nakaupo sa gobyerning sukab
Pati ito’y ating mahal na baya’y pagnanakawan

Panig: Ngayon ako’y nagsisisi, bakit ako nakipagtula
Sa makatang si Camaing na naiwan ng panahon
Di ka pala nararapat na lumakad sa pasulong
Pagkat habang nagtatagal, tumatanda paurong
Biyayang hatinang  nagaganap sa rehyon
Ay tanupulan ang iyong pagtututol sa hatian

Di Panig: Hindi mo ba naisip, ang panahon kung dumating
Sa paghati ng Cam Sur, ay lalo pang suliranin
Dahil kakulangan ng yaman likas natin
At ibubulsa pa ng pinunong kasamaan dadating
Na sa paglipas ng panahon, tiyak ang sisihan

Panig: Kung ayaw mo ay hindi na magagawa ay pumigil
Pagkat kahit pipigilin mo’y patuluyin darating
Ang lahat ay makakatikis, nakatakdang ganapin
Mangyayari’t magaganap, kahit anong ating gawin

Di Panig: Kung magaganap iyong nais pulo masagana
Sapagkat ay itim na binhi ay itim rin ang baga
Hatiin mo ay Cam Sur kasama baga sa akin
Siya mong pagtula, sagisag ng kasawian natin

Panig: Kahit ika ay tumututol ay tiyakang mababatid
Kay hindi mo natatanggap, ang dakot ng bangayan

Di Panig: Garoon mo ay iyong gusto sa hindi mo masaktan
Tutol ako sa di makatarungang hatian sa atin

Lakandiwa: Magsilgil muna kayo para sa mga magtunggali
Sa magandang tugtugan may lagi niyong ginagawa
Buhat sa inyong nakikinig ay dapat maunawaan
Ay katwirang nagniningning sa ngayon ay narinig
Kayo’y muling pumalakpak sa inyong upuan
Nasa inyong desisyong kung sino man sa
Dalawang magtunggali ang lubos niyong pinanigan.

One thought on “Balagtasan

  1. BALAGTASAN:
    Dapat bang hatiin ang Camarines Sur sa dalawa?

    LAKANDIWA: Sa lahat ng nangaritong, guro namin at magulang,
    Sa lahat ng estudyante, at aming kamag- aral,
    Sa lahat ng panauhin na dito po’y napipisan,
    Ako pong si Apolinar, mapitagang nagpupugay.
    Kung inyo pong makikitang, kamiy mga kabataan,
    Subalit sa nangyayari’y, mulat na ang kamalayan.

    Kami’y ngayon isinilang, hindi kahapon o bukas,
    Na ang paaralang ito, ang sa amin ay nagmulat.
    Kaya kami’y mayroon ng pag- unawa at hinagap,
    Kaya amin na pong batid, sa ngayon ay nagaganap.
    Katulad ng kasawia’t, panganib na dinaranas,
    Ang ating paksa, pagtatalunan ng tapat.

    Ito’y ating kalinangan na sarili nitong bansa,
    Dito lang sa Pilipinas, narinig na ginawa,
    Ginaganap natin ito sa mataas na adhika,
    Ang kultura’y mamalaging nabubuhay at sariwa.
    Kaya dito’y itatampok, mga subok na makata,
    Mga nangunguna sa talaan ng batikang manunula.

    Kaya ngayoy hahayaan, sa gitna ay makatindig,
    Ang makata ng Bulakang may pukyutan iyang tinig.
    Masama raw iyang bunga ng paghati sa Cam Sur,
    Yao’y kanyang babalingan , ng pagpuna’t hagupit.
    Kasama ko kayong lahat kay Carlo maghahatid,
    Sa tunog ng palakpakang sa kanya’y pampainit.

    DI DAPAT: Pagkat akoy Bicolano ang damdami’t kalooban,
    May taglay na malasakit, sa aking kababayan,
    Probinsyang sinilangan, punong- puno ng kagandahan,
    Ngayon ito’y pinapaksa, ninanais na paghatian.
    Kaya po ang aking tugon, paghati po ay tutulan,
    Upang maging maganda naman ang ating kinabukasan.

    Ngunit bago pumalaot sa arena ng tulain,
    Ako pong si Carlo Dasco, bumabating buong- gilw,
    Kung tunay man maganda, ‘yang pangarap at layunin,
    Na ang probinsya ng Cam Sur gusto ngayong hatiin.
    Ngunit walang katiyakan at maaaring maging suliranin,
    Hindi Lang ng gobyerno, pati ng kababayan natin.

    Kaya nga sa ating paksa, labis ang aking pagtutol,
    Labis akong masasaktan, kung ito’y matutuloy.
    Kaya habang hindi pa huli, ito’y dapat ng maputol,
    Huwag na silang tulutan pa, na ito’y mapaurol,
    Ng tayo’y di dumanas ng kasawian at linggatong.

    Mga hinating probinsya, ngayon naghihikahos sa pera,
    Katulad ng Sorsogon na hinati sa dalawa,
    Sila ngayon ay kasama sa pinakamahihirap na probinsya,
    Kaya’t kung Cam Sur hahatiin, baka tayo rin ay mapasama.
    At tayo pa’y malamangan ng Nueva Camarines ni Fuentabella,
    Dahil ang Caramoan mapupunta sa kanila..

    LAKANDIWA: Ang panig ng hindi dapat, sa katwiran ay narinig na,
    Ang kanyang pagtutol, inyong naulinigan pa,
    Sa pagkakabanggit sa ngalan ni Fuentabella,
    Kumusta kaya ang panig ng kalaban niya?
    Ang paghati sa Cam Sur, wika niya’y pigilin na,
    Upang kasawian daw di na sapitin pa.

    Nabanggit din niya ang mga hinating probinsya,
    Na sa ngayon daw ay salat na salat sa pera,
    Ayon sa kaniya, Cam Sur daw dapat magkaisa,
    Upang hindi na ito matulad sa kanila,
    Ngunit bago magsalita, suriin muna at pag-aralan,
    Kung ano nga ba ang totoong kalalabasan.

    Ang susunod na titindig ay isang makisig na binata,
    Sa lugarin ng Libmanan ay isinilang ng tadhana,
    Ang talinong inaaangkin, sadyang bagay panagupa,
    At ang tinig niyang taglay, naaangkop sa pagtula.
    Ang husay niya sa bigkasan ay tampulan ng paghanga,
    Walang iba’t si Earl lagging busog iyang diwa.

    DAPAT: Sa lahat ng naririto, ako po’y nagpupugay,
    Akong si Earl Cañaveral, bumabating buong galang,
    Sinabi ng lakandiwa, bago ako tinawagan,
    Na atin munang suriin, alamin at pag- aralan.
    Totoo nga bang pagkalugi ang mararansasan?
    Bakit di muna natin subukan bago natin pagtangkaang pigilan?

    Paghati sa Cam Sur, di dapat pigilin,
    Ito’y para sa pag- unlad ng probinsya natin,
    Ito’y mag- aangkat sa pamumuhay ng mga kababayan natin.

    Paghati sa ating probinsya, nangangahulugang mas maliit na,
    Mas maliit, mas madaling pamamalakad na diba?

    Kung magkakaroon ng konkretong gobyernong masasandalan,
    Magbibigay diin, prayoridad sa kanyang nasasakupan,
    Tiyak mabilis na ang pagyaman ng probinsyang paghahatian.

    Sa paghati ng ating probinsya,
    Marami ang nagsasabi, isa’y llamado, isa’y dehado.
    Itong Inang probinsya ang diumanoy dehado,
    Sa likas na yaman, kita at maging sa bilang ng tao.

    Ngunit ano ang magiging pagkakaiba,
    kung di mawawala ang sipag at tiyaga?
    Sa gobyerno at bawat Camarinenses na nandirito.

    Kung yumaman ang ang isang malaking probinya,
    Pano kung mas maliit, eh dim as yayaman pa.
    Ninanais lang naman ni Ginoong Fuentabella,
    Mas malinang ang buong probinsya,
    Hindi lang ang PILI at NAGA.

    LAKANDIWA: Sa katwirang inilahad, na narinig naman ninyo,
    Tila ako ay sang- ayon, waring akoy kumbinsido,
    Maging lalaki’t babae, tayong mga Pilipino,
    Mayroong laying makapili, ng gawaing ating gusto,
    At iyan ang kabutihan sa bansang demokratiko,
    Malaya mong magagawa, basta’t legal lamang ito.

    Ang may hangad umasenso, bakit mo pipigilin?
    Alam niyang may panganib, iyang kanyang papasukin,
    Ang probinsyang pangarap niya’y, sa kahirapa’y hanguin,
    Kung di raw maghahati, di raw mararating.
    Sapgkat ang buhay ngayon, wika nga’y ngipin sa ngipin,
    Na hindi magtatagumpay ang may mahinang damdamin.

    Ang dalawang makata, ay labis ng nag- iinit ,
    Kaya ating salubungin ng palakpakang walang patid.

    DI DAPAT: Ang sabi ng aking katunggali, mas maliit mas madali.
    Pero ba’t nag no. 1 tourist destination, kahit hindi hinati?
    Ito lamang ay nagpapakita, na di basehan ang sukat at laki,
    Ito’y dedepende sa Gobyerno at bawat tao, tulad ng iyong sinabi.

    DAPAT: Oo, sabihin na natin, tayo ang number one,
    Pero tiyak ba at hanggang kalian?
    Mapapanatili ba itong ranking na ating nahahagkan?
    Bukas makalawa, ito’y maaaring maglaho na,
    Kung iyong makikita, isa 0 dalawang bayan lamang, Ang ating gobyerno’y pinagyayaman.

    Pano kung tao’y magsawa na?
    Camarinenses ang tiyak na kawawa.
    Kung Camarines Sur ay hahatiin sa dalawa,
    Malilinang at lalo pang madadagdagan ang mga tourist destination na nagbibigay kita sa mamamayan.

    DI DAPAT: Ano ba ang dahilan, kung bakit nais hatiin,
    Itong Camarines Sur, na minumutya namin?
    Para ba sa pag- unlad, o panlaman sa mga bulsa,
    Ng nagnanais maging gobernador at mga kongresista?
    Bakit ngayon lang naisip, kung kalian nangunguna?
    Nais nilang nakawin, kaunlarang tinatamasa ng bawat isa.
    Hidi ba’t noo’y walang nagrereklamo,
    Eh ba’t ngayon ay pilit na ginugusto?

    DAPAT: Sabihin mang may minimithi,
    Mga taong nagnanais na Cam Sur ay mahati,
    Ngunit walang dapat magpakalinis,
    Sigurado ba, mga taong nagnanais di matuloy ang pagkahati,
    Walang intensyong magmalabis?
    Mga taong kumukontra, naghahangad ng dagdag termino,
    Nagpapakanpi at pinapalabas, paghati ay di makabubuti.

    DI DAPAT: Gawin mo ang iyong gusto, na hindi mo maaangkin,
    Tutol ako sa paghati sa probinsyang mahal namin.

    DAPAT: Kahit ikaw ay tumutol ay tiyakang mababaliw,
    Kung hindi mo matanggap, ang dapat tanggapin.

    LAKANDIWA: Magsitigil muna kayo, para kayong mga bata,
    Ang matandang tugtugin, na’y lagi ninyong ginagawa,
    Bawat isang nakikinig ay dapat na maunawa,
    Ang katwirang nagniningning na ngayon ay pinapaksa.
    Kayo’y muling pawawalan upang iyong ibanndila,
    Yaong inyong pinapanig at sandigan sa pagtula.

    DI DAPAT: Ano bang kasinungalingan , ito’y dapat tutulan,
    Pagmasdan mo itong probinsya, probinsyang aming nahahagkan,
    Punong- punong ng ganda’t ito’y walang kasawian.
    Ano itong kasinungalingang nangingibabaw sa Kabikolan?
    Mga pinino’y nagnanais Cam Sur ay paghatian,
    Dahil sa taglay na kariktan at taglay na kalakihan.

    DAPAT: Hatiin ang Cam Sur, ang aking sigaw,
    Bagaman labis ang aking pagnanais,
    Tutol ako kung iba ang manginginabang ng kaban ng bayan,
    Matuloy ang hatian para sa pag- unlad,
    Matuloy ang hatian, nang walang corrupt!

    LAKANDIWA: Katwiran po ng dalawang sa tula ay nangagtangis,
    Parang talang nagniningning, sa karurukan ng langit,
    Walang itulak kabigin ang tayog ng diwa’t isip.
    Parang tandis na makata, ang inyo pong naririnig.
    Sa ganda ng katwira’t, salungatan ng matuwid,
    Hindi mo aakalaing sila’y mga batang paslit.

    Paano nga’y ang katwiran, na kanilang inihanay,
    Maging mga halimbawang, sa atin ay ibinigay,
    Hindi mo hihinalaing, buhat sa murang isipan,
    Nitong mga kabataang, ngayon ay nagbalagtasan.
    Ako bilang lakandiwa ng kanilang paglalaban,
    Hindi ko po magagawang sila ngayon ay hatulan.

    Matapos ninyong mapakinggan, yaong magkabilang panig,
    Ng dalawang nangagtalong, gintong lantay ang panitik,
    Ako’t saka kayong lahat, malinaw sasaisip,
    Silay kapwa may katwiran, sa kanilang mga tindig.
    Kayong mga naging saksi sa kanilang digmaan,
    Ang aming panawagan, ay hatulan ang kanilang labanan.

    group 5
    cañaveral
    orejuela
    dizon
    apolinar
    imperial
    daza
    jacob
    joven

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s